𝐂𝐃𝐒𝐆𝐀 𝐧𝐚𝐠𝐡𝐚𝐫𝐢 𝐬𝐚 𝐁𝐔𝐂𝐀𝐀 𝐂𝐡𝐞𝐞𝐫𝐝𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧
MALOLOS, Bulacan — Ibinandera ng naninindigang CDSGA Gabrielian Angels Pep Squad ang tikas ng isang kampeon matapos ipamalas ang kanilang mga epektibong stunts na naging susi upang angkinin ang kampeonato sa prestihiyosong Bulacan Universities and Collegiate Athletics Association Season 2 Cheerdance Competition, sa dinagsang Provincial Capitol Gymnasium.
Humataw sa unang puwesto ang CDSGA bitbit ang 91.38%, habang nakuntento sa pilak at tanso ang Bulacan Polytechnic College at Dalubhasaang Politekniko ng Lungsod ng Baliwag na may 82% at 80.17%.
Isinulat ni Marc Wilson Salvador, 𝘈𝘯𝘨 𝘛𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯
Iniwasto ni Markvier Blanca, 𝘈𝘯𝘨 𝘛𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯
Paglalarawan ni Jade Aspiras, 𝘈𝘯𝘨 𝘛𝘢𝘨𝘢𝘱𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯